Palig para sa Pilipinas!

Kumusta, mga bisita at kapwa Paligista.

Isang pangarap ang website na ito.  Matagal na namin gustong:

  • magkaroon ng baul ng mga dokumentong tungkol sa Palig;
  • mailathala nang maayos ang kasaysayan ng Palig; at
  • maibahagi ang Palig sa buong Pilipinas.

Pero pangarap pa rin ang website na ito.  Kailangan ka namin para makumpleto ito.

Kaya kung mayroon kang:

  • iskrip ninyo;
  • larawan (pictures) o bidyo ng ginawa ninyo;
  • betamax, VHS, VCD, DVD, file ng pelikula ninyo;
  • tape, CD, o MP3 ng dulang panradyo;
  • kuwento o testimony;
  • paglilinaw o dagdag-impormasyon sa mga nakasulat dito;

pakipadala naman sa amin!

Kung orihinal na kami na ang magdi-digitize, pakidala na lang sa Ateneo de Manila High School.  Puwede n’yong iwan kay Bigboy!  Pakisabi tawagin si o pakiabot kay Paolo Paculan.

Kung file o link, paki-email kami sa ateneopalig@gmail.com.

Kung paglilinaw o testimonya, siyempre astig din ang maglagay ng comments.

O siya.  Maaliw ka sana sa pamamasyal sa site na ito.  ‘Ika nga nina Mr. Pagsi, “Alalahanin! Gunitain!”  Manood ka, makinig, mag-senti, mag-emo, masaktan uli sa mga away n’yo dati, masarapan muli sa pagkapanalo, mapaitan muli sa pagkatalo, at magdiwang dahil naging bahagi tayo ng isang tradisyong nagpabago at sana’y patuloy na magpapabago sa Pilipinas!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s