Klase ng 3B, Kampeon ng Palig!

ni Jonathan Balsamo (mula sa paskil sa Facebook)

42 years ago, pinasimulan ng Kagawaran ng Pilipino at ng Dulaang Sibol (Ateneo High School Dramatics Society) ng Mataas na Paaralan ng Ateneo ang isang Paligsahang Pandulaan na kilala natin ngayon sa tawag na PALIG!

Taong 1967, sa pangunguna ni G. Onofre Pagsanghan, nag-umpisa ang Paligsahang Pandulaan bilang isang paligsahan sa pagsulat at pagtatanghal ng isang yugtong dula sa wikang Pilipino, maaring sariling katha o salin sa Pilipino ng dulang banyaga at hindi dapat lalampas sa 40 minuto ang kabuuang pagtatanghal. Layunin daw nitong bigyan ang mga mag-aaral ng Ateneo High School ng panibagong pagkakataon sa paglinang ng kanilang kasanayan sa pagpapahayag ng kanilang mga sarili.

Bukas ang paligsahang ito sa lahat ng mga klase sa Ateneo High School, mula una hanggang ikaapat na taon. Tatlo ang tatanghaling panalo na makatatanggap ng banner ng pagkilala at P300.00 para sa unang gantimpala, P200.00 sa ikalawang gantimpala at P100.00 sa unang gantimpala. Tatanggap din ng gintong medalya ang pinakamahusay na direktor, manunulat, artista at tagadibuho ng eksena. Ang tatlong magwawaging dula

Isinagawa ang semi-finals noong Oktubre 13-14, 1967 sa isang silid na ginawang audio-visual room ng paaralan. Ang mga hurado ay sina Fr. Hermenegildo Rodil SJ, Fr. Severino Estrera, Virgilio Reyes (HS ’65, at ambassador ngayon ng Pilipinas sa South Africa) at Gerardo Esguerra (HS’66, isa sa mga magiging may-akda ng makasaysayang manifesto na DOWN FROM THE HILL).

Anim na dula ang lumabas sa pagsalang ginawa ng apat na hurado na maglalaban-laban sa finals. Ang anim na dulang ito at ang kanilang mga DIREKTOR ay ang:

1. “Kandilang Naaagnas” ni Ricardo “Dindo” Angeles ng 2G
2. “Ang Puting Timamanukin” ni Paul Dumol ng 3B
3. “Ang Tinig ng Langit” ni Jose Gadi ng 3D
4. “Madugo ang Dagat” ni Anthony Juan ng 4A (Unang directing daw ito ni Anton Juan)
5. “Huling Pagsisisi” ni Guillermo Catindig ng 4D
6. “Hoy Boyet, Tinatawag Ka Na, Hating Gabi na’y Gising Ka pa” ni Felix Padilla ng 4F (Magiging founding director ng Tanghalang Pilipino si Felix Padilla. Si Tony Perez ang manunulat).

Ginanap ang finals noong Disyembre 3, 1967, Linggo ng gabi. Lima na lamang ang naglaban, hindi na isinama ang “Madugo ang Dagat” dahil iba ito sa 5 na orihinal na katha. ito ay salin sa Filipino ng dulang “Turn Red the Sea” ni Wilfredo Nolledo.

Alin sa limang dulang naglaban sa kauna-unahang Palig ang nagwagi?

..Dulang gawa ng mga estudyante
..Dulang itinanghal ng mga estudyante
..Dulang nasa wikang Filipino
..Dulang lilikha ng marka sa kasaysayan ng dula sa Pilipinas
..Dulang magpapasimula/magpapatuloy

ng tradisyon ng dulang Filipino sa AteneoMula sa klase ng 3B, itinanghal ang kauna-unahang kinilala na pinakamahusay at pinakamaganda dulang ng PALIG — ANG PUTING TIMAMANUKIN.Hinakot din nito ang mga gantimpala para sa:
PINAKAMAHUSAY NA AKTOR- Renato Claravall
PINAKAMAHUSAY NA DIREKTOR – Paul Dumol
PINAKAMAHUSAY NA SCRIPT- Paul Dumol at Gil Quito
PINAKAMAHUSAY NA PAG-IILAW – David GarciaSinu-sino ang humusga at nagsabing ito ang pinakamaganda at pinakamahusay sa lima?

 

Sila lang naman:

Narciso Pimentel (kilalang radio show producer noon)
Genoveva Edroza-Matute (Premyadong manunulat)
Fr. Catalino Arevalo SJ (Premier theologian sa buong mundo)
Bienvenido Lumbera (National Artist for Literature ngayon)
Veronica Misa (inaalam ko pa kung sino siya =)

2nd place ang ang Hoy Boyet.. ni Tony Perez
3rd Place ang Kandilaang Naagnas ni Dindo Angeles (na naging Artistic Director for Drama ng Folk Arts Theatre)

Susundan ang tagumpay na ito ni Dumol ng isa pa: ANG PAGLILITIS NI MANG SERAPIO .

Baka gustong ninyong silipin ito, Pagtatanghal ng Jesuit scholastics ng ANG PUTING TIMAMANUKIN, sa direksiyon ni G. Ed Calasanz:

http://www.youtube.com/watch?v=xAMFZpo2-9U

Kinalkal pala ang mga datos dito mula sa isang oras at kalahating pagbuklat sa mga pahina ng Hi-Lites Vol. XX, Nos.1-3 SY1967-1968. Marami pang datos, may mga larawan din na isasama sa susunod. Salamat kay Ser Rodolfo Allayban ng University Archives, sana nga nakumbinsi ko siya kung gaano kahalaga ang Palig, di lamang sa Ateneo kundi sa buong ‘Pinas. =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s