Palig 2008

PALIG 2008

GIGIL. GILAS. GITING

Ang Paligsahang Pinakahihintay

Ipinagdiwang ng Kagawaran ng Filipino sa Mataas na Paaralang Ateneo ang ika-41 taon ng Paligsahang Pandulaan noong nakaraang Nobyembre 10 hanggang 15. Nagpakitang-gilas sa Sabayang Pagbigkas ang mga mag-aaral sa Unang Taon, nangiliti ng imahinasyon sa kanilang mga Dulang Panradyo ang mga mag-aaral sa Ikalawang Taon, nagtagisan ng galing sa entablado sa kanilang mga Dulang Pantanghalan ang mga mag-aaral sa Ikatlong Taon, at tumalakay ng samu’t saring isyu sa kanilang mga Pelikulang Dokumentaryo ang mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon.

Pinamunuan ng batikang direktor at aktres sa dulang panradyo na si Bb. Luz Fernandez ang Lupon ng Inampalan sa Ikalawa at Ikaapat na Taon. Kasama niya ang kilalang direktor sa pelikula at ng mga MTV na si G. Quark Henares at ang batam-batang dirktor sa telebisyon at ng mga MTV na si G. Lorenzo Valdes.

Pinamunuan naman ni G. Gerry Respeto, isang kilalang aktor, direktor, at tagasalin ng mga klasikong dula sa Filipino at kasalukuyang Puno ng Kagawaran ng Filipino sa Pamantasang Ateneo de Manila ang Lupon ng Inampalan sa Una at Ikatlong Taon. Sinamahan siya ni G. Glenn Mas, isang guro ng pagsulat ng dula sa Kagawaran ng Sining sa Pamantasan ng Ateneo de Manila at beterano ng Don Carlos Memorial Awards sa larangan ng pagsulat ng mga dulang pantanghalan at ni G. Richard de Guzman, isang guro ng Filipino sa Pamantasan ng Ateneo de Manila at beteranong aktor at direktor sa entablado.

Pagkatapos ng mahigpit na tagisan, narito ang mga natatanging klase na nagpamalas ng kakaibang GIGIL, GILAS, at GITING sa Palig 2008, ang Tagisang Pinakahihintay:

UNANG TAON: Sabayang Pagbigkas IKALAWANG TAON: Dulang Panradyo
Unang Gantimpala 1-A   Bayan ni Juan Unang Gantimpala 2-K Huwag Kang Mangamba
Ika-2 Gantimpala 1-K   Dugong Bughaw Ika-2 Gantimpala 2-M Hinagpis ng Pag-ibig
Ika-3 Gantimpala 1-O   PilipinO Ika-3 Gantimpala 2-B Kala-Hati
IKATLONG TAON: Dulang Pantanghalan IKAAPAT NA TAON: Pelikulang Dokumentaryo
Unang Gantimpala 3-N     Katok Unang Gantimpala 4-B    LunaS
Ika-2 Gantimpala 3-M    Likodyenik Ika-2 Gantimpala 4-I     Espiritu
Ika-3 Gantimpala 3-A     Barrio Tuklas Ika-3 Gantimpala 4-M   ATEnISTA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s